Baliguian Vice Mayor at 2 kasamahan nito, patay sa pamamaril sa Zamboanga del Norte

Patay sa pamamaril ang Bise Alkalde ng Baliguian, Zamboanga del Norte na si Gani Esmali at ang dalawang kasama nito sa bayan ng Siocon sa Zamboanga del Norte alas Onsey media.

Sakay ang mga biktima ng isang gray isuzu SUV nang magpaulan ng bala ang hindi matukoy na dami ng suspek. Tumakas kaagad ang mga nasabing suspek sakay ng isang puting van patungo sa bayan ng Gutalac sa Zamboanga del Norte.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima pero dineklarang dead on arrival si Vice Mayor Esmali at ang dalawang kasamahan nito. Patuloy namang nagpapagaling ang isang nakaligtas na kasmahan din ni Esmali.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ang dahilan sa likod ng pamamaril.

Facebook Comments