Kasabay ng pagpupulong ng MUNICIPAL Peace and Order Council, Municipal Anti Drug-Abuse council at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa bayan ng Pagalungan sa lalawigan ng Maguindanao ay paglulunsad din ng BALIK-BARIL program ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod, kailangang isuko ng gun owners sa mga otoridad ang kanilang mga baril na walang kaukulang papeles o paso na dahil kung hindi ay ikukonsidera itong loosefirearms.
Nagbabala si Mayor Mamasabulod sa mga ito na huwag nang antayin na maging subject pa sila ng zoning ng kapulisan at kasundaluhan kung saan kakatukin sila ng mga awtoridad sa kani-kanilang tahanan at kukumpiskahin ang kanilang baril at kakasuhan.
Sinabi pa ng alkalde na ang pagkakaroon ng armas ay madalas nagiging dahilan lamang ng pag-igting ng alitan at kaguluhan lalo na sa pagitan ng mga magkalabang grupo at angkan.
Balik BARIL program, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pagalungan!
Facebook Comments