Balik-baril program, patuloy sa pag-arangkada sa Maguidanao,113 loose firearms, isinuko!

Abot sa bilang na 113 loose firearms ang naisuko na sa militar sa mga isinagawang turnover ceremonies nito lamang Lunes, March 26 hanggang ngayong araw ng Martes, March 27, 2018.

Ang mga isinukong baril ay pag-aari ng mga residente mula sa mga bayan ng Mamasapano, Pagalungan, Datu Montawal, at Shariff Aguak, pawang sa lalawigan ng Maguindanao.

45 mga baril ang nai-turnover sa pamamagitan ni Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod at 30 nama ang isinuko kay Datu Montawal Mayor Vicman Montawal.


Ang naturang mga baril ay tinanggap ni 602nd Brigade Commander Col. Alfredo V. Rosario Jr. sa magkakahiwalay na seremonya.

Samantala, 25 baril ang nai-turnover ni Mamasapano Mayor Tahirodin Benzar Ampatuan kay 40th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Edgar L Catu mula sa 13 barangay ng munisipyo.

Sa kabilang banda, 13 baril ang nai-turnover ni Shariff Aguak Mayor Maroup B. Ampatuan kay 601st Deputy Brigade Commander for Operations Col. Ralph Raul S. Sespeñe kasabay ng kanilang Municipal Peace and Order Council (MPOC) meeting kanina.

Ilan sa mga isinukong mga baril ay 60mm mortars, homemade rocket propelled grenade launchers, rocket propelled grenade tubes, M16 rifles, M14 rifles, homemade calibre .50 Barrett, homemade calibre .30 Barrett M1 Garand rifles, 5.56mm Ultimax machine guns, M1 carbines, mayroon ding homemade 40mm grenade launchers, KG-9 rifles, homemade M79 rifles, homemade Baby Thompson, calibre .30 Springfield Bolt Action, at calibre .45 pistol.
Ngayong unang bahagi lamang ng 2018 ay abot na sa 287 na mga baril ang narekor sa Maguindanao, inaasang madadagdagan pa ito sa mga susunod na araw dahil sa positibong tugon ng LGUs.

Bahagi ito ng “Balik Baril” program na inisyatibo ng local government ng Maguindanao sa gitna ng kampanya ng Armed Forces of the Philippine (AFP) laban sa paglaganap ng loose firearms sa implementasyon ng Martial Law sa Mindanao.

Nagpapasalamat naman si 6th Infantry Division Commander Maj. Gen. Arnel B. Dela Vega sa suporta ng local government officials sa AFP sa kampanya kontra loose firearms.

Facebook Comments