Deputy Chief, Tinadyakan ng PO3!

197

Santiago City, Isabela- Nasa kamay na ng pulisya ang isang kapwa nila pulis matapos makasuhan ng Direct Assault at RA 10591 noong Marso 24, 2018 sa lungsod ng Santiago, Isabela.

Ang pulis ay kinilalang si PO3 Jewel Gabriel na nakatalaga sa PNP Mobile Patrol Group ng Santiago City habang kinilala naman ang nagsampa ng kaso na si Police Inspector Hernando Baradi, Deputy Chief ng Mobile Patrol Group sa Saranay, Batal ng naturang lungsod.

Batay sa ibinahaging impormasyon ng PNP Station 1 Santiago City, Sinita umano ni PI Baradi si PO3 Gabriel dahil umano sa pag-inom nito ng alak habang nasa trabaho na ikinagalit naman ni Gabriel.

Nilapitan umano ni PI Baradi si Gabriel upang awatin subalit sinipa ito ni Gabriel ng tatlong beses at nakuha pa mula kay Gabriel ang isang kalibre kwarentay singkong baril na walang dokumento.

Dahil dito ay agad na hinuli si Gabriel at dinala sa himpilan ng PS 1 ng naturang lungsod.

Nasa kustodiya na ng Santiago City Police Office (SCPO) si Gabriel habang hinihintay ang resulta ng kanilang Hearing sa korte.

Facebook Comments