BALIK ENSAYO | Gilas Pilipinas, simula na ang paghahanda sa FIBA World Cup Qualifiers mamayang gabi

122

Manila, Philippines – Balik ensayo na mamayang gabi ang national training pool bilang paghahanda sa pagsabak ng Gilas Pilipinas kontra Iran sa Tehran sa Setyembre a-trese at sa Qatar sa Setyembre 17.

Labing-anim na player ang inimbitahan para bumuo sa training camp na magsisimula mamayang alas-otso ng gabi sa Meralco Gym.

Kasama sa mga pinatawag sina Asi Taulava, Paul Lee, Beau Belga, Raymond Almazan, Poy Erram, Gabe Norwood, Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Scottie Thompson, Greg Slaughter, Ian Sangalang, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Allein Maliksi at Matthew Wright.

Nagtapos sa ikalimang puwesto ang Gilas Pilipinas sa katatapos na 2018 Asian Games sa Indonesia.

Ito ang pinakamataas na puwesto na nakuha ng Pilipinas sa Asiad sa huling labing-anim na taon.

Facebook Comments