BALIK-ESKWELA | Batasan National High School, handang-handa na sa pagbubukas ng klase

Manila, Philippines – Handang-handa na ang Batasan National High School sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

Ang Batasan National High School ay may 15,000 na populasyon.

Ayon kay Assistant Principal Cerilo Castillo, sa Lunes ay aktuwal na klase na agad dahil nakapagsagawa na ng dry run ang mga teachers noong May 25 at 26 na sinabayan na ng orientation ng mga enrolled na estudyante.


Kahapon, isinagawa ang kick off ng Brigada Eskwela kung saan aktibong nakibahagi ang buong komunidad, kasama ang Philippine Red Cross, BJMP , QCPD at ng QCPD Parents Association.

Nagsagawa sila ng school repairs, installations, clean-up at iba pang preparasyon .

Sa ngayon ay may 3,000 enrollees sa Grade 7 ang Batasan National High School habang mahigit 2,000 naman sa Senior High.

Facebook Comments