Manila, Philippines – Aabot sa halos 28 milyong estudyante ang magbabalik eskwela sa public at private schools sa buong bansa ngayong school year 2018-2019.
Sa datos ng Department of Education (DepEd), halos tatlong milyong estudyante ang papasok sa Kindergarten, 13.8 million ang papasok sa Elementary (Grades 1-6), 8.1 million sa Junior High School (Grades 7-10) at 2.8 million para sa Senior High School (Grades 11-12)
Ang pabubukas ng klase sa lahat ng public schools ay magsisimula sa June 4.
Ang mga private schools naman ay maaring magsimula ng klase hindi maaga sa unang Lunes ng Hunyo at hindi naman lalagpas sa huling araw ng Agosto.
Facebook Comments