BALIK-ESKWELA | Unang araw sa pagbukas ng klase sa Iligan, generally peaceful

Iligan City – Generally peaceful ang unang araw sa pagbukas ng mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Iligan kahapon.

Ito ang kinumpirma ni PNP City Director Police Senior Superintendent Leony Roy Ga sa patuloy nila na ipinapatupad na oplan balik eskwela.

Sinabi ni Ga, simula umaga hanggang sa dumating ang hapon at nagsipag-uwian na ang mga mag-aaral napanatiling matiwasay ang takbo at walang kahit ano mang untoward incidents na na-monitor ang kapulisan.


Inaasahan ni Ga na mapatili ang magandang takbo ng seguridad sa mga paaralan hanggang sa susunod na mga araw.

Facebook Comments