LIGTAS | 19 na pasahero, swerteng nakaligtas matapos mabutas ang isang pump boat sa Surigao City

Surigao City – Swerteng nakaligtas ang nasa 19 na pasahero ng isang pump boat matapos itong mabutas habang nasa kalagitnaan ng Busong-Busong River sa Surigao City.

Nabatid na bumiyahe pa din ang pump boat sa kabila ng masamang panahon kaya at tumaob ito subalit nakaligtas naman ang lahat ng pasahero matapos na magtulong-tulong na makarating ng pampang.

Sinasabing karamihan ng mga sakay dito ay pawang mga guro kung saan papunta sana sila sa Barangay Cagutsan upang paghandaan ang pagbubukas ng klase kahapon.


Karga din ng nasabing pump boat ang mga gamit sa eskwelahan tulad ng mga libro, mga sako-sakong bigas at iba pa.

Facebook Comments