BALIK KULUNGAN | Natitirang preso na tumakas sa detention cell ng pulisya sa Zamboanga City, naibalik na

Zamboanga City – Balik kulungan ang preso na pumuga sa Detention Cell ng pulisya sa Zamboanga City.

Boluntaryong sumuko sa himpilan ng pulisya ang pugante na si sulayman sali kasama ng kanyang mga kaanak.

Nagdesisyon siyang sumuko dahil na rin sa inilabas na P50,000 reward kapalit sa kanyang pagkakahuli na posibleng banta sa kanyang buhay.


Matatandaan na noong Abril 10 nang pumuga ang nasa 16 inmates na naka-detain se selda ng ZCPO-6 kung saan una na ring naaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Zamboanga City ang 15 preso habang may ilan na una na ring sumuko sa mga awtoridad.

Facebook Comments