Manila, Philippines – Nagbalik loob sa pamahalaan ang mahigit 700 dating rebeldeng komunista mula sa iba’t-ibang bahagi ng Eastern Mindanao.
Isinigawa ang oath of allegiance sa harap ng Pangulong Duterte kahapon sa Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) Covered Court sa Panacan, Davao City.
Ayon Kay AFP Public Affairs Office Chief Lt Col. Emmanuel Garcia, ang mga dating rebelde ay mula sa mga lalawigan ng Agusan, Bukidnon, Surigao, Davao, Cotabato at Sarangani, na nagsisuko sa pamahalaan mula Enero 1 hanggang Dec. 15 ng taong ito.
Kasamang isinuko ng mga rebelde ang 265 high and low-powered firearms, kung saan tumanggap sila ng halagang mula 12,000 hanggang 210,000 piso depende sa klase ng isinukong armas.
Bukod dito, tumanggap din ang mga nagbalik-loob ng 15,000 pisong financial support at 50,000 pisong livelihood assistance sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP).