Abot sa labing walong supporters ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) ang kumalas na sa rebeldeng grupo sa Barangay Carabalan Himamaylan City Negros Occidental at nagbalik-loob na sa pamahalaan.
Ayon kay Army 62nd Infantry Battalion Commanding Officer Army Lieutenant Colonel Egberto Dacoscos, ang pagsuko ng mga tagasuporta ng rebeldeng grupo ay sinaksihan ng mga dating rebelde, militir unit at mga local residents.
Sa isang seremonya ng militar, binigyan sila ng mga impormasyon hinggil sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) isang programa ng pamahalaan na nagbibigay benepisyo sa mga sumusukong rebelde.
Umaasa pa si Lieutenant Colonel Dacoscos na marami pang susukong rebelde sa lalawigan kasunod ng pinaigting nilang information dissemination laban sa masamang gawain ng CPP-NPA .
Pinapurihan din nito ang ipinamalas na katapangan ng mga surrenderees at mamamayan sa Carabalan na tumutuligsa sa gawain ng teroristang grupo.
Nanawagan pa ang opisyal sa iba pang supporters at aktibong grupo ng CPP-NPA na sumuko na rin at iwanan ang walang saysay na pakikipaglaban at samantalahin ang programa ng pamahalaan na magbabago sa kanilang buhay.