Manila, Philippines – Makakasalo mamayang hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa meryenda ang ilang dating miyembro ng New People’s Army o NPA sa Malacanang.
Pasado 5 ng hapon mamaya ay makakaharap ng Pangulo ang mahigit 200 dating NPA na sumuko na sa pamahalaan at tinalikuran na ang pagiging rebelde.
Matatandaan na noong nakaraang desyembre ay kusang loob na sumuko sa pamahalaan ang ilang miyembro ng NPA sa Davao City na una naring nakaharap ni Pangulong Duterte.
Kahapon dumating sa Manila ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan mula sa Panacan sa Davao City sakay ng C130 na eroplano ng Philippine Airforce.
Pero bago ang pagharap sa mga dating NPA members ay makakaharap muna ni Pangulong Duterte sa isang dayalogo ang ilang grupo ng mangagagawa kung saan posibleng pag-usapan ay ang umano’y patuloy na kontraktwalisasyon sa bansa.