BALIK-LOOB | Miyembro ng Abu Sayyaf Group, sumuko sa militar sa Basilan

Manila, Philippines – Kusang loob na sumuko sa tropa ng militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Basilan kahapon ng hapon.

Kinilala ni Armed forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Spokesperson Captain Jo-ann Petinglay ang sumukong ASG member na si Ligoda Tanjal, regular na miyembro ng ASG na tauhan ni ASG subleader Nurhasan Jamiri alyas Abu Bekkat.

Sumuko mismo ito kay Lieutenant Colonel Templo, Battalion Commander ng 74th Infantry Batallion ng Philippine Army sa Brgy Banah, Tipo-tipo, Basilan kahapon.


Sa pagsuko ng bandido bitbit nito ang kanyang isang M16A1 rifle, isang rifle scope at isang magazine with ammunition.

Batay sa naman sa rekord ng Joint Task Force ng Western Mindanao Command pang sampu si Tanial sa mga sumukong ASG sa lalawigan ng Basilan simula nang magsimula ang taong 2018.

Facebook Comments