ENGKWENTRO | 2 miyembro ng teroristang NPA, patay sa sagupaan sa Agusan Del Sur

Manila, Philippines – Nasawi ang dalawang miyembro ng teroristang New People’s Army matapos ang naganap na engkwentro sa pagitan ng teroristang grupo at militar sa Barangay Bunawang Brooks, Bunawan, Agusan Del Sur kahapon.

Ayon kay 4th Infantry Division Spokesperson 1st Lieutenant Tere Ingente ala-1:00 ng hapon kahapon nagsasagawa ng pagpapatrolya ang tropa ng 401st Infantry Division ng Philippine Army ng makasagupa ang nasa sampung miyembro ng NPA.

Nagtagal ng 25 minuto ang sagupaan bago nagsitakas ang mga teroristang NPA.


Naiwan sa pinangyarihan ng sagupaan ang bangkay ng dalawang terorista at tatlong piraso ng AK47 rifle.

Sinabi naman ni Colonel Andres Centino, Commander ng 401Bde, na ang matagumpay na operasyong ito ay resulta ng patuloy na security operation na ginagawa ng kanilang unit sa simula noong araw ng mga puso o February 14, 2018.

Facebook Comments