BALIK MAYNILA | MMDA, nagbabala sa matinding trapiko kasabay ng pagdagsa ng mga biyaherong pabalik ng Metro Manila ngayong araw

Manila, Philippines – Asahan ang muling pagbigat ng daloy ng trapiko dahil sa mga sasakyang pabalik ng Metro Manila ngayong araw.

Ito ay matapos gunitain ng ilang bakasyunista ang Holy Week break sa mga probinsya at ilang sikat na destinasyon.

Ayon kay MMDA Supervising Operations Officer Bong Nebrija, ang matinding trapik ay magsisimula mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.


On-duty aniya ang lahat ng 400 traffic enforcers ng MMDA na hahatiin sa tatlong shifts.

Ipatutupad ang ‘no day off, no absent policy’ hanggang hindi bumabalik sa normal ang lagay ng trapiko.

Mahigpit ding babantayan ng MMDA ang ‘nose in, nose out’ policy sa mga bus terminals sa Edsa.

Facebook Comments