BAWAL ANG PASAWAY | LTFRB, naka-alerto na laban sa mga isnaberong taxi driver

Manila, Philippines – Naka-alerto na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga isnaberong taxi driver.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, nakatuon ang kanilang tanggapan sa National Capital Region (NCR) na bulto ng mga pasaherong babalik mula sa mga lalawigan.

Magpapakalat din aniya sila ng mga tauhan sa mga bus terminal sa Quezon City at Pasay para matiyak na hindi mamimili ng mga pasaherong isasakay ang driver ng taxi.


Nagbabala rin ang LTFRB sa sinumang taxi driver na mangongontrata ng pasahero.

Facebook Comments