Malabo pang bumalik sa normal ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pa umano ito ang tamang panahon para pag-usapan kung paano babalik sa normal ang presyo ng petrolyo dahil kailangan munang masolusyonan at matapos ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Sa ngayon aniya ay wala siyang nakikitang linaw upang mahinto ang giyera ng dalawang bansa at mukhang ayaw rin ni Russian President Vladimir Putin na itigil ang labanan.
Samantala, inamin naman ng pangulo na hindi niya alam kung paano masu-solusyonan ang patuloy na taas-babang galaw ng presyo ng produktong petrolyo at ayaw niyang magbigay ng ispekulasyon.
Facebook Comments