Muling pagtaas ng kaso ng COVID-19, malaking banta sa domestic economy — NEDA

98

Aminado ang National Economic and Development Authority (NEDA) na isang malaking banta sa ekonomiya ng bansa ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay NEDA Secretary Karl Kendrick Chua, malaki ang nagiging epekto sa domestic economy ng COVID-19 o iba pang sakit pero natutunan nilang pangasiwaan ang ekonomiya at kalusugan nang magkasama.

Aniya, ang pinakamahalaga pa rin sa ngayon na ipagpatuloy ang programa ng pagbabakuna.


Giit ni Chua, dapat unahin ang mga bata at senior citizen sa vaccination program dahil vulnerable sila sa mga sakit.

Ang mga patakaran at mga reporma aniya ay mahusay para mapalago ang domestic economy.

Facebook Comments