Naibalik na sa normal ang power transmission operations sa North Luzon matapos humagupit si bagyong Rosita.
Ito ay matapos na ganap nang makumpleto ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang ginawa nilang pagsasaayos sa mga nasirang linya ng kuryente.
Ayon sa NGCP, 9:40 kagabi nang makapagtustos na muli ng suplay ng kuryente ang North Luzon grid kasunod ng pagkakakumpuni ng Batal-Garit line segment na parehong minimintini ng NGCP at ISELCO 1.
Lahat ng lugar na binayo ng bagyo ay muli nang naseserbisyuhan ng kuryente ang mga apektadong lugar sa Isabela, Cagayan at Kalinga.
Magpapatuloy naman ang NGCP na magmo-monitor sa mga susunod pang papasok na sama ng panahon para sa anumang banta sa kanilang transmission facilities.
Facebook Comments