Lalapag sa NAIA Terminal 2 ang 105 repatriates mula Dubai.
Sasalubungin ang mga ito ng kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at team mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sa datos ng DFA ito na ang ika-11 batch ng mga OFWs na nag-avail ng amnesty program na alok ng United Arab Emirates government.
Sumatutal, umaabot na sa 1,301 mga OFWs ang nakalipad na pabalik ng bansa magmula ng mag-umpisa ang amnesty program ng UAE noong August.
Inako na rin ng DFA ang exit fines at iba pang penalties ng mga undocumented OFWs maging ang kanilang airline tickets pabalik ng Pilipinas.
Samantala, pagkarating sa NAIA, pagkakalooban ang mga OFWs ng P5,000 bilang financial assistance.
Kasunod nito hinihikayat ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang iba pang undocumented OFWs na mag-avail ng amnesty bago ang pagtatapos ng programa sa darating na October 31.