BALIK ‘PINAS | 3 batch ng OFWs galing Kuwait, darating ngayong araw sa bansa

Manila, Philippines – Darating sa bansa ngayong araw ang 3 batch ng mga Overseas Filipino Workers galing ng Kuwait

Sa abiso ng Overseas Workers Welfare Administration ang unang batch ng nasa 42 repatriated OFWs ay lalapag sa Naia Terminal 1 mamayang alas-tres bente ng hapon lulan ng Etihad Airways flight EY 424 .

Habang ang nasa 80 mga ofws ay darating ganap na alas kwatro bente ng hapon sakay ng Qatar Airways QR 932.


At ang pangatlong batch ng 80 mga OFWs ay darating bago mag alas kwatro ng hapon lulan ng Emirates Airline EK 332.

Ang mga ito ay sumailalim sa pinalawig na amnesty program ng Kuwaiti govt.

Ayon sa OWWA ang dahilan ng pag uwi ng mga OFW ay problema sa kanilang mga employers kabilang na dito ang hindi pagtanggap ng kanilang buwanang sahod, naabuso o namaltrato o di kaya’y nagtapos na ang kanilang kontrata at mga overstaying.

Sasalubungin ang mga magsisiuwiang OFW ng OWWA repatriation team at pagkakalooban din sila ng P5,000 financial assistance at P20,000 bilang livelihood assistance.

Facebook Comments