BALIK-PINAS | 99 repatriated OFWs mula Abu Dhabi, dumating sa bansa

Sa abiso ng Manila International Airport Authority Media Affairs Division, ang mga balik manggagawa ay dumating ng 7:58 ng umaga sakay ng Philippine Airlines flight PR-659 sa NAIA Terminal 2.

Agad na inalalayan ng OWWA repatriation team, mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa immigration documentation at customs formalities ang mga OFWs paglapag ng paliparan.

Pinagkalooban din ang mga dumating na OFWs ng limang libong pisong paunang cash assistance.


Pansamantalang tutuloy sa OWWA shelter ang mga OFWs na walang matutuluyan dito sa Metro Manila, habang bibigyan naman ng pasahe ang mga gustong umuwi ng kanilang probinsya.

Facebook Comments