TINAMBANGAN | Negosyante patay sa pamamaril sa QC

Patay ang isang negosyante makaraang pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Michael Manila, 45-anyos.

Sa initial na imbestigasyon ni SPO2 Jun Abugado ng QCPD Station 6, nilapitan ng gunman na nakasuot ng helmet ang sasakyan at pinaputukan ang biktima.


Kinuha umano ng suspek ang cellphone at pera ng biktima na nagkakahalaga ng 100,000 pesos.

Sinabi ng pamilya na halatang pinagplanuhan ang pagpatay dahil sa pakurbada at lubaklubak na kalsada inabangan ang sasakyan ng biktima.

Iniimbistigahan pa ng mga otoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng gunman.

Facebook Comments