BALIK PINAS | Catriona Gray, darating sa bansa ngayong araw

Nakatakdang dumating ngayong araw si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito ay matapos masungkit ang ika-apat na korona ng Pilipinas sa ginanap na pageant sa Bangkok, Thailand nitong Lunes.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang nanalo sa Miss Universe ay hindi susundin ang routine pagdating sa homecoming.


Kadalasan, ang winner ay agad na bibiyahe sa New York City sa Estados Unidos matapos makoronahan.

Pero sa kaso ni Catriona, uuwi siya sa Manila bago lumipad sa New York.

Inaasahang darating si Gray mamayang hapon at magsasagawa ng press conference.

Dito ibabahagi ni Gray ang kanyang mga susunod na plano.

Dadalo rin si Catriona sa isang charity event para sa isang private organization.

Facebook Comments