Manila, Philippines – Muling bibisita sa Pilipinas si Chinese President Xi Jinping sa Nobyembre.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kasunod na rin ito ng naganap na bilateral meeting ni Xi at Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo ng Pangulo sa Boao Forum For Asia sa Hainan, China.
Ayon kay Roque, babalik sa bansa si Xi matapos ang gagawin niyang pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation sa Papua New Guinea.
Ito ang magiging unang pagtungo sa bansa ni Xi sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil November 2015 pa nang ito ay huling magtungo sa bansa.
Dumating noon sa bansa si Xi para sa taunang regional meeting na ginanap dito sa Pilipinas.
Facebook Comments