BUS ACCIDENT | 17, patay sa nahulog na bus sa ilog sa Kenya

Narok, Kenya – Labing pito ang patay habang apatnapu’t anim ang sugatan matapos mahulog sa ilog ang isang bus sa Narok, Kenya.

Patungo ng Nairobi ang bus mula Hima Bay County nang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela.

Sinabi ni Narok County Commissioner George Natembeya, iniwasan ng driver ang kasalubong na truck kaya ito nahulog sa ilog.


Sa tala ng National Transport Safety Authority ng Kenya, tinatayang nasa 3,000 Kenyans ang namamatay sa aksidente kada taon.

Facebook Comments