Manila, Philippines – Dalawang batch ng distressed OFWs mula Hong Kong ang dadating sa bansa ngayong araw ng Pasko.
Ang unang batch na 41 OFWs ay dadating mamayang ala-una ng hapon sakay ng Philippine Airlines Flight PR 301.
Bago naman mag alas-diyes mamayang gabi dadating ang limampung OFWs sakay ng Cebu Pacific Flight 5J 119.
Ayon sa OWWA, ang naturang OFWs ay nagkaroon ng ibat-ibang problema sa kanilang employers kaya nagpasya silang saklolohan ang mga ito.
Facebook Comments