BALIK PINAS | Huling batch ng mga OFWs galing Kuwait, sasalubungin ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano

Manila, Philippines – Sasalubungin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong umaga ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang last batch ng Overseas Filipino Workers (OFW’s) na nag avail ng amnesty program sa Kuwait.

Kasama ng mga OFW’s sa kanilang biyahe pabalik ng Pilipinas si ACTS-OFW Representative John Bertiz, Presidential Communication Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson, DFA-Office of Public Diplomacy Acting Assistant Secretary Elmer Cato at Consul General Pendosina Lomondot

Mahihit 200 distressed OFW’s ang dadating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sakay ng Qatar Airways flight QR 934.


Naghahanda na ang OWWA repatriation team, kasama ang mga kinatwan mula sa Department Of Foreign Affairs (DFA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang alalayan sa immigration documentation at customs formalities paglapag sa paliparan ng mga uuwing distressed Overseas Filipino Workers (OFW)ngayon umaga.

Pagkakalooban din ang mga darating na OFWs ng limang libong pisong paunang cash assistance.

Ang mga returning OFW’s ay maaaring maging beneficiaries ng “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay Program,” ng pamahalaan na nagbibigay-daan sa kanila upang magkaroon ng start-up capital para sa isang micro livelihood project.

Ang repatriation ay bunsod ng Amnesty Program na ipinagkaloob ng Kuwaiti Government sa mga dayuhan, na nagsimula nuong pang a dos ng Pebrero.

Kahapon, April 22 oras sa Kuwait, nagpapaso ang amnesty program ng Kuwaiti government sa mga undocumented OFWs.

Facebook Comments