BALIK PINAS | Ikatlong batch ng mga repatriates mula UAE darating sa bansa

Sasalubungin ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panibagong batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula United Arab Emirates.

Ayon sa DFA ang 129 repatriates mula UAE ay inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 lulan ng Philippine Airlines flight PR657 bago mag alas nuebe ngayong umaga.

Sinabi ni Ambassador to UAE Hjayceelyn Quintana nasa kabuuang 345 na mga Filipinos ang sumasailalim sa amnesty program matapos itong palawigin ng gobyerno ng UAE.


Sinagot ng DFA ang pamasahe ng mga nagsiuwiang OFWs maging ang kanilang exit fees.

Samantala, pagkakalooban ang mga ito ng P5,0000 financial assistance pag-uwi nila dito sa Pilipinas.

Facebook Comments