BALIK PINAS | Ilang OFWs na sumailalim sa amnesty program, dadating sa bansa mamaya

Manila, Philippines – Bago mag pasko, balik ‘Pinas na ang ilang Overseas Filipino Workers.

Inaasahan kasing alas-otso ng umaga lalapag sa NAIA terminal 1 ang 54 mga OFWs galing Lebanon.

Lulan ang mga ito ng Qatar Airways flight QR934.


Ang 54 na OFWs na pawang mga undocumented ay nag avail ng repatriation program.

Ang 90-araw na amnestiya ay una nang nagtapos nuong Marso pero, ito ay pinalawig upang bigyang panahon ang mga banyagang walang dokumento na makapag avail ng nasabing programa

Saklaw ng amnesty program ang mga undocumented, overstaying na foreign indibidwal, mga OFW na nag-expire na ang residence permit at mga OFW na inabandona ng kanilang mga amo.

Sa tala ng DFA mahigit sa walong libong mga OFWs na ang nakapag-avail ng nasabing amnesty program.

Facebook Comments