Darating sa bansa bukas ang mga labi ng Filipino financial analyst na namatay sa Slovakia noong nakalipas na buwan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga labi ni Henry John Acorda ay i-repatriate mula sa Bratislava ngayong araw sakay ng Slovak government aircraft at inaasahang darating sa Manila alas onse bukas ng umaga.
Sasamahan ni Ambassador to Vienna Ma. Cleofe Natividad ang magulang at dalawang kapatid sa pag-uwi ng labi ni Acorda.
Matatandaan si Henry ay ginulpi ng isang lalaki, nang sikaping ipagtanggol ang isang kasamahan Pilipina mula sa harassment ng suspect.
Ang 28-anyos na lalaki na may kaugnayan sa insidente ay nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad at kinasuhan ng manslaughter.
Una nang ikinagalit ng mga mamamayan ng Slovakia at kinondena ni Prime Minister Peter Pelligrini ang naturang insidente at nangakong bibigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.