Hepe ng Mallig Isabela, Patay sa Drug Buy Bust Operation!

Mallig, Isabela – Binaril ng malapitan si Police Senior Inspector Michael TubaƱa ng isa sa suspek sa ikinasang drug buy bust operation pasado alas onse kagabi sa Cento 1 Mallig Isabela.

Dead on arrival sa pagamutan ang hepe matapos barilin ng caliber 45 ng mga suspek na nakasakay ng motorsiklo.

Kilala ng otoridad ang mga suspek ngunit hindi pa maaring ilabas ang impormasyon sa mga ito dahil sa isinasagawang manhunt operation ng Intelligence Group, IPPO at Mallig Police Station.


Dahil sa naganap na pagpaslang kay Police Senior Inspector TubaƱa ay nag-half must na ang bayan ng Mallig kaninang umaga sa isinagawang flag raising ceremony sa pangunguna ni Mayor Jose Calderon.



Facebook Comments