Zamboanga City – Dumating sa port ng Zamboanga City ang nasa 203 undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Malaysia.
Ito na ang ikatlong batch ng mga Pinoy na nag-avail sa amnesty program na inalok ng pamahalaan ng Malaysia.
Isinailalim ang mga ito sa profiling at medical checkup ng Department of Social Welfare and Development Field Office Region 9.
Ayon kay Dr. Shara Jane Dawami, ilan sa mga Pinoy ay nakitaan ng respiratory infections at skin condition gaya ng scabies.
Sa tala naman ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 5,844 Pinoy lamang mula sa 400,000 undocumented Filipinos ang kumuha ng amnestiya simula ng mag-umpisa ito noong January 2016.
Facebook Comments