BALIK ‘PINAS | Mga OFW na na-stranded sa Hong Kong, nakauwi na

Manila, Philippines – Balik bansa na ang ilang Overseas Filipino Workers (OFW) na na-stranded sa Hong Kong matapos magkaaberya ang kanilang tiket pauwi ng Pilipinas.

Matatandaang nagkaaberya ang pag-uwi ng mga OFW matapos hindi maibigay ng Peya Travel Agency ang mga binili nilang plane ticket para makauwi sa Pilipinas.

Kaagad namang inasikaso ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga dumating na OFW, na kanilang tinulungan na makabalik sa bansa.


Ayon kay OWWA Deputy Administrator Brigido Dulay, tutulungan nila ang mga nasabing OFW para makasuhan ang Peya Travel Agency.

Sa kabuuan, 102 na OFW ang napauwi ng OWWA nitong pasko.

Facebook Comments