BALIK-PINAS | Mga OFWs na naghahabol sa amnesty program, dumating sa bansa

Manila, Philippines – Dahil sa nalalapit na ang deadline ng Amnesty program ng Kuwaiti Government sa mga undocumented migrant workers.

Patuloy ang pagdating sa bansa ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nag-avail ng nasabing programa.

Kanina, 62 OFWs galing Kuwait ang dumating sa bansa.


Ang naturang 62 distressed OFWs mula Kuwait ay dumating mag aalas dyes ngayong umaga lulan ng Qatar Airways flight QR 934.

Sinalubong ang mga nagsipag uwiang distressed OFWs ng OWWA Repatriation team kung saan sila ay pinagkalooban ng P5,000 financial assistance at P20,000 bilang livelihood assistance.

April 22 nakatakdang magpapaso ang amnesty program ng Kuwaiti Government sa mga undocumented OFWs, pagkaraan nito maaari nang hulihin, kasuhan at ikulong ang mga overstaying undocumented migrant workers.

Facebook Comments