200 repatriated OFWs na pinagkalooban ng ammestiya sa United Arab Emirates (UAE) ang dumating sa bansa ngayon umaga.
Sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Manila International Airport Authority Media Affairs Division, ang mga balik manggagawa mula Dubai ay dumating kaninang 8:00 ng umaga sakay ng Philippine Airlines flight PR-659 sa NAIA Terminal 2.
Agad na inalalayan ng OWWA repatriation team, mga kinatwan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa immigration documentation at customs formalities ang mga OFWs paglapag ng paliparan.
Pinagkalooban din ang mga dumating na OFWs ng limang libong pisong paunang cash assistance.
Pansamantalang tutuloy sa OWWA shelter ang mga OFWs na walang matutuluyan dito sa Metro Manila, habang bibigyan naman ng pamasahe ang mga gustong umuwi ng kanilang probinsya.
Umabot na sa 2,481 undocumented Filipinos ang napauwi ng DFA mula ng magsimula ang amnesty program noong August 1, 2018.
Kaugnay niyo, pinaalalahanan ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi at ang Consulate General sa Dubai ang mga undocumented Filipinos, na mayroon na lamang hanggang December 1, para mag-apply para sa amnestya makaraang paliwigin ng UAE authorities ang programa na nagtapos nitong October 31.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>