PROUD | Buong QC nakapagtala ng “zero crime” sa ‘8 focus crimes’ sa nakalipas na 24 oras

Quezon City – Ipinagmalaki ng QCPD ang naitala nitong zero crime rate sa nakalipas na 24 oras.

Ito ang report na inilabas ngayon lamang ng Quezon City Police District (QCPD) sa regular monitoring na isinasagawa ng PNP sa iba’t-ibang distrito sa Metro Manila.

Ayon kay QCPD Police Chief Superintendent Joselito Esquivel, mula alas singko ng umaga kahapon Linggo hanggang alas singko kaninang madaling araw ay walang krimeng nangyari sa walong focus crime na binabantayan ng PNP.


Ang zero crime rate ay naitala sa walong focus crime tulad ng homicide, physical injury, robbery, theft, rape, carnapping at murder.

Pero nilinaw ni Esquivel na hindi pa rin nawawala ang iba pang kaso gaya ng paglabag sa ordinansa at ang may kaugnayan sa illegal drugs.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments