BALIK-PINAS | Mga undocumented OFWs mula Dubai darating sa bansa ngayong araw

Darating sa bansa ngayong umaga ang unang batch ng mga undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) mula United Arab Emirates.

Sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA), 100 undocumented oFWs na pinagkalooban ng amnesty ang darating mamayang 8:30 ng umaga.

Ayon kay Consul General Paul Raymond Cortes ng Philippine Consulate General sa Dubai kabilang sa mga darating ang 277 Pinoy at 6 na menor de edad.


Ang mga ito ang unang batch ng mga Pinoy na inaprubahan ang amnesty application para sa three-month amnesty program.

Kasamang uuwi ng 100 Pinoy si Deputy Consul General Renato Dueñas kung saan paglapag nila sa NAIA sasalubungin naman sila ng mga opisyal at kawani ng Office of Migrant Workers Affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Facebook Comments