PINANGALANAN NA | Terror suspek na sangkot sa pagsagasa sa London, isinapubliko na

London – Isinapubliko na ng London authorities ang pagkakakilanlan ng suspek na sangkot sa pagsasagasa at pagbangga sa barikada ng house of parliament.

Matatandaang itinuturing ni UK Prime Minister Theresa May na isang terrorist attack ang nangyari kung saan 2 katao ang nasugatan sa insidente.

Kinilala ang suspek na si Salih Khater, 29-anyos, tubong Sudan pero isa ng U.K. national.


Lumabas din na walang anumang criminal record ang terror suspek.

Facebook Comments