BALIK-PINAS | Ozamiz City Councilor Ardot Parojinog, inaasahang darating sa bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Chief Oscar Albayalde na anumang oras ngayong araw ay darating na sa bansa ang puganteng si Ricardo “Ardot” Parojinog mula sa Taiwan.

Sabi ni Albayalde, may pinirmahan na itong travel order para sa 3-men team na susundo kay Ardot para ibalik ito sa Pilipinas.

Posible aniyang umalis kagabi o ngayong madaling araw ang team at babalik din mamayang gabi ang mga ito.


Ayon pa kay Albayalde, kung susunduin si Ardot sa Taiwan ay wala na ring magiging problema dahil plantsado na ito ng Philippine At Taiwanese authorities.

Si Ardot ay inaresto at nahaharap sa kasong illegal entry at pamemeke ng mga dokumento.

Mananatili muna sa kustodiya ng PNP si Ardot habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.

Facebook Comments