BALIK PINAS | Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa, balik bansa na

Manila, Philippines – Balik bansa na si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa matapos siyang ideklarang persona non grata dahil sa pag-rescue sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.

Alas 10:40 ng gabi nang dumating si villa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinalubong siya ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ng iba pang opisyal.


Ayon kay Villa, karangalan niya na magsilbi bilang diplomat sa Kuwait sa loob ng tatlong taon.

Umaasa pa rin si Villa na maayos rin ang lahat sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Dumiretso sina Villa at Cayetano sa headquarters ng DFA para sumailalim sa debriefing.

Facebook Comments