Marami sa mga kababayan ang naapektuhan ang kanilang pamumuhay dahil sa dalang problema ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Bilang kasagutan sa problema ng ilang benepisyaryo sa Alaminos City, nagpaabot ng suporta ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa walong benepisyaryo kung saan nakatanggap ang mga ito ng Livelihood Settlement Grant mula sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program ng DSWD.
Naging katuwang ng LGU Alaminos ang ahensyang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng DSWD Field Office 1 at nirepresenta ni Raymond Jay Capito Project Development Officer- Program Monitoring and Evaluation Officer.
Ang Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa ay parte ng programa ng gobyerno para mabigyan ng kaginhawaan sa mga pook-rural, at upang makatulong sa komunidad.
Layunin ng nasabing programa upang mabigyan ng suporta ang mga pamilyang informal settler at mga manggagawa na lubhang na naapektuhan ng pandemya. | ifmnews
Facebook Comments