Balik Probinsya Program tuloy sa Maguindanao

Magpapatuloy ang Balik Probinsya Program sa Maguindanao.
Ito ang inihayag sa DXMY ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, sa kabila ng pagpapositibo ng 12 mula 16 na mga nabalik probinsya mula naman Cebu City.
“Karapatan aniya ng bawat Maguindanaons na makabalik sa lalawigan lalo na ang mga naipit sa krisis mula sa ibat ibang bahagi ng bansa na dulot ng Covid 19” giit pa ni Governor Bai Mariam.

Kaugnay nito, nilinaw naman ng Gobernadora na sasailalim naman sa Health Protocols ang lahat ng mga naghahangad magbalik Maguindanao.

Kinakailangan bago paman makabalik ng Maguindanao ay sumailalim na sa 14 day Quarantine ang mga ito bukod pa sa may mga health passes mula sa kanilang mga lugar bago bumalik sa lalawigan.


Bukod sa mga nagbabalik probinsya, bukas rin ang Provincial Government sa mga OFW na magbabalik sa Maguindanao. Sinasabing nasa 200 OFW ang nakatakdang uuwi sa Maguindanao sa mga susunod na mga araw .

Agad namang nakipag-ugnayan ang provincial government sa IPHO para sa mga proseso at magiging sistema ng mga magbabalik probinsya.

Facebook Comments