*Cauayan City, Isabela- *Inaabangan na ngayong araw ang gagawing ‘Balik Tanaw 2019 State of the City Address’ ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy mamayang ala una ng hapon, Enero 21, 2019 sa F.L Dy Coliseum.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Edgardo “Egay” Atienza, inaasahan sa magiging speech ng alkalde ang mga nagawa at kasalukuyang proyekto nito sa Lungsod ng Cauayan.
Inaabangan rin sa SOCA ni Dy ang mga plano nito ngayong 2019 gaya ng pagpapatayo ng 2-way lane na Alicaocao bridge at pagsasaayos sa diversion road sa boundary ng Brgy. Tagaran at Nappacu Pequeño ng Lungsod ng Cauayan.
Ayon pa kay SP Member Atienza, binabalak din umano ng alkalde na magpatayo ng karagdagang tulay upang magkaroon ng iba pang access road sa Lungsod lalo na sa mga lugar na madalas inaabot ng tubig.
Bukod pa rito ay marami pang mga proyekto ang inaasahang tatalakayin ng alkalde bukod sa proyekto nitong Thermal Oxidizer Plant na dinayo at sinuri kahapon ng mga alkalde mula sa iba’t-ibang bayan sa Lalawigan ng Isabela.