BALIK TANAW | Cast ng Bagets, nagkaroon ng mini reunion!

85

Manila, Philippines – Makalipas ang 34 na taon, ikinatuwa ng mga netizens ang mini reunion ng cast ng 1984 movie na Bagets.

Sa instagram, kaniya-kaniyang post ng larawan sina Eula Valdez, Cheska Iñigo, Monching Gutierrez, Yayo Aguila at Raymond Lauchengco.

Present rin sa pagtitipon si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kinilig ang mga young at hearts nang makitang muli sa iisang larawan ang mga kinagiliwan noong 80s, habang ilang fans pa ang nag-request na muling magsama-sama ang mga ito sa isang pelikula.

Bigo namang makadalo sa mini reunion sina Aga Muhlach, William Martinez, JC Bonnin at Jobelle Salvador.

Facebook Comments