ENGKWENTRO | 12 indibidwal sa Brazil, patay sa attempted bank robbery incident

75

Ceara State, Brazil – Patay ang 12 indibidwal, kabilang ang dalawang bata sa naganap na bank robbery sa Ceara State, Brazil.

Isang armadong grupo ang nagtangkang pasabugin ang ATM sa Milagres sa nabanggit na lugar.

Nagkaroon pa ng engkwentro ang mga suspect at mga pulis na rumispunde sa insidente, kung saan nasawi ang anim na kawatan.

Nasawi rin ang anim na sibilyan na may-ari ng hinay-jack na sasakyan ng mga suspect, na ginawa ring hostage.

Ayon kay Milagres Mayor Lielson Macedo Landim, ang mga suspect ang pumatay sa mga sibilyan at hindi ang nangyaring engkwentro.

Sa kasalukuyan, inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Dalawa sa kasamahan ng mga suspek ang naaaresto habang nakatakas naman ang iba pa.

Pinaniniwalaan na ang grupo ring ito ang nasa likod ng serye ng bank robberies sa lugar kung saan kadalasang pinasasabog nito ang mga ATMs.

Facebook Comments