BALIK TRABAHO | COOP-NATCCO Rep. Anthony Bravo, pumasok na sa trabaho matapos ang kinasangkutang aksidente

18

Manila, Philippines – Balik trabaho na sa Kamara si COOP-NATCCO Partylist Rep. Anthony Bravo matapos ang kinasangkutang chopper accident noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Bravo, may iniinda pa siyang sakit sa katawan at medyo iika-iika pa habang naglalakad dahil sa tinamong bugbog sa kanyang kaliwang tagiliran.

Tiniyak naman ng mambabatas na wala nang dapat na ikabahala sa kanyang kalagayan.

Kwento ni Bravo, biglang umalog ang chopper na kanilang sinasakyan na 20 talampakan ang taas mula sa landing area.

Aniya, nag-nose dive ang chopper sa bangin at naharang lamang ito ng malaking puno kaya hindi tuluyang bumagsak.

Pero nayuyupi ang chopper at ang paglusot dito ng maraming sanga.

Sinabi pa ng mambabatas na hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot siya sa aksidente dahil nanganib na ang kanyang buhay noong 2013 sa Quezon.

Facebook Comments