Balikatan Exercise 2022, pormal nang nagsimula ngayong araw

Nagsimula na ngayong araw ang Balikatan Exercise 2022.

Isinagawa ang opening program sa Armed Forces of the Philippines (AFP) General Headquarters sa Camp Aguinaldo na pinangunahan ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino at US Embassy Charge d’ affaires Heather Variava.

Sa speech ni Centino, sinabi nito na espesyal ang Balikatan ngayon dahil sa pagiging lawak ng aktibidad nito.


Sinabi naman ni AFP Balikatan 22 Exercise Director Maj. Gen. Charlton Sean Gaerlan na ang exercises ay patunay ng katatagan ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Tampok sa mga aktibidad ngayong taon ang amphibious operations exercise sa Claveria, Cagayan at ang combined arms live fire exercise sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Tarlac.

Lalahukan ito ng 3,800 tauhan ng AFP at 5,100 miyembro ng U.S. military.

Ito na ang ika-37 Balikatan Exercise sa pagitan ng dalawang bansa na tatagal hanggang April 8, 2022.

Facebook Comments