Kamara, nagpaabot ng pagbati sa ika-77 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Nagpaabot ng pagbati ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ika-77 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa statement na inilabas ni Speaker Lord Allan Velasco, hangad ng Kamara ang masayang kaaawan at malusog na pamumuhay para kay Pangulong Duterte.

Nagpasalamat din ang liderato ng Kamara sa mga nagawa ng presidente para sa ating bansa.


Ipinaabot naman ni House Majority Leader Martin Romualdez ang pagkalugod ng buong bansa para sa lahat ng mga personal na sakripisyo na ginawa ng pangulo sa mga Pilipino.

Tiniyak ni Romualdez na lahat ng mga serbisyong nagawa ng pangulo ay palaging maaalala at mananatili hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Dalangin din ng majority leader at ng mga kongresista ang marami pang taon na malusog, mapayapa at ang kasiyahan ni Pangulong Duterte sa pampubliko at pribadong aspeto ng kanyang buhay.

Facebook Comments